CAGAYAN DE ORO CITY – Umabot na sa P12 milyon ang danyos perwisyo ng sunog na naganap sa Zone 3, Max Suniel St., Brgy Carmen sa syudad, nitong nakalipas na Lunes ng madaling araw.
Sinabi ni Percy Bagatsulon, Binonoan creek zone leader ng nasabing lugar na nagsimula ang apoy sa bahay ng pamilya Cabañeros kung saan mabilis itong kumalat sa mga mahigit 40 mga bahay at mga malalaking establisyemento.
Base sa inisyal na imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection, 40 kabahayan ang totally damaged.
Sa ngayon nagpapasilong ang mahigit 80 pamilya o katumbas ng mahigit 100 indibidwal sa Macanhan National High School.
Wala naman naiulat na sugatan o namatay sa insidente.
Inaalam pa ng mga imbestigador ang sanhi ng sunog.
Kung maalaala, ang nasabing barangay ay may pinakamaraming bilang ng COVID-19 deaths at cases sa lungsod ng Cagayan de oro kung kayat todo ang pagbabantay ng barangay health center upang ma obserbahan ang social distancing at tamang health protocol sa pag-segregate ng mga pamilya sa mga evacuation rooms.