-- Advertisements --
Wala ng makakapigil pa sa mga koponan sa PBA na magpatuloy ng kanilang ensayo sa susunod na linggo.
Kasunod ito sa pagbabalik ng Metro Manila sa General Community Quarantine (GCQ).
Ayon kay PBA Commissioner Willie Marcial, na sa darating na Agosto 25 ay posibleng maisagawa na ang mga ensayo.
Mahigpit din nilang ipapatupad ang health protocols na gaya ng nakasaad sa Joint Administrative Order (JAO) na pirmado ng Department of Health (DOH), Games and Amusement Board (GAB) at Philippine Sports Commission (PSC).
Kailangan din aniyang sumailalim ang mga koponan sa COVID-19 swab testing na ito ay gaganapin sa Makati Medical Center mula Agosto 20-21.
Sakaling magpositibo ang mga ito sa COVID-19 ay kailangan silang sumailalim sa quarantine.
















