-- Advertisements --

Duda ang abogado ng Malacañang na may nangyaring torture sa mga pangunahing suspek sa pagpatay kay dating Negros Oriental Gov. Roel Degamo, kaya binawi ang kanilang testimonya laban kay Rep. Arnolfo “arnie” Teves Jr.

Sinabi ni Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile na hindi kapani-paniwala ang pahayag ng limang pangunahing suspek sa degamo slay case na pinahirapan ang mga ito ng mga pulis kaya napilitang umamin at idiin si Teves bilang mastermind sa krimen.

Dapat aniyang isailalim sa lie detector test ang mga suspek para malaman kung nagsisinungaling o nagsasabi ng totoo ang mga ito.

Sinabi ni enrile na kahit pa binawi ng mga akusado ang kanilang testimonya, malalaman sa cross examination kapag nagsimula na ang paglilitis sa kaso, kung totoo o hindi ang sinasabi ng mga ito.

Magugunitang lima na sa mga suspek sa Degamo slay case ang nag-withdraw ng kanilang testimonya at iginiit na hindi sila magkakakilala at tinakot at sinaktan umano sila para umamin sa nasabing krimen