-- Advertisements --
ILOILO CITY – Hinihintay na lang ang pagpapalabas ng Executive Order ni Iloilo Governor Arthur Defensor Jr. para sa pagpapalawig ng Enhanced Community Quarantine sa lalawigan ng Iloilo.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Defensor, sinabi nito na hanggang sa Mayo 15 ang posibleng lockdown extension kung saan maraming scheme ang dapat na baguhin.
Ayon kay Defensor, marami ang dapat isaalang-alang sa pagpapatupad ng lockdown extension at pagbago nito.
Isa sa dapat na alalahanin ay ang epekto nito sa ekonomiya ng Iloilo ngunit sa ngayon dapat munang gawin ang lahat ng quarantine measures para sa kapakanan ng nakararami.
Maliban dito, pagtutuunan rin ng pansin ang proactive o selective testing upang malaman ang transmission trend ng virus.