LAOAG CITY – Inireklamo ng isang babae ang kanyang live-in partner na isang inhinyero dahil umano sa pagpilit nito na makipagtalik sa kanya at pagbabanta na babarilin ito.

Kinilala ng mga otoridad ang suspek na si Engr. Albert Martin y Bumanglag, 37-anyos, inhinyero ng Department of Public Works and Highways-1st Engineering District dito sa lalawigan at residente sa Purok Dos, Barangay Tangid dito sa lungsod ng Laoag.

Una rito, nakatanggap ng mensahe ang isang pulis na pinipilit umano ni Martin ang kanyang live-in partner na makipagtalik at binantaan pa ito na babarilin.

Sa pagresponde ng mga otoridad, nakuha nila mula sa suspek ang isang sling bag na naglalaman ng isang kalibre 45 na baril na may pitong bala, apat na cellphone, wallet at iba pang personal na kagamitan.

Samantala, habang na kustudiya ng PNP ang inihinyero ay nagdedisyon umano nag live-in partner nito na huwag ng magsampa ng kaso ngunit magpupursigi nag kaso nitong paglabag sa RA 10591.