CENTRAL MINDANAO- Dead on arrival sa isang pagamutan ang isang Inhiyero at tatlong ang nasugatan sa pamamaril sa Tacurong City.

Nakilala ang naawi na si Civil Engr Joel Bastareche na residente ng Barangay Poblacion Tacurong City.

Sugatan naman sina Abang Suizo,Alvin Monahan at ang tricycle driver na si Romeo Jayme.

Ayon kay Tacurong City Chief of Police, Lieutenant Colonel Rey Egos na pasakay ang mga biktima sa tricycle na minamaneho ni Jayme pauwi na sana sa kanilang tahanan galing sa inuman sa isang resto bar.

Bigla na lamang pinagbabaril ang mga biktima ng riding in tandem suspects gamit ang kalibre.45 na pistola.

Mabilis namang tumakas ang mga suspek sakay ng motorsiklo patungong Isulan Sultan Kudarat.

Ang mga sugatan ay agad dinala ng mga nagrespondeng pulis ngunit hindi na umabot ng buhay si Engr Bastareche nang magtamo ng maraming tama ng bala sa ibat-ibang parte ng kanyang katawan.

Marami ang naniniwala na posibling may kinalaman sa trabaho ng biktima bilang construction engineer ang motibo sa pamamaslang nito at nadamay lamang ang kanyang mga kasamahan.

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad sa naturang pangyayari.