-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY-Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591 at extortion ang isang traffic enforcer matapos umanong mangikil sa isang motorista nitong lungsod.

Kinilala ang suspek na si RTA enforcer Barry Moore Saludares, residente sa Xavier Heights sa Siyudad.

Nag-ugat ang kaso nang tinikitan ng enforcer ang motoristang si Rodence Caballero at nagkasundong papaliitin ang multa.

Lingid sa kaalaman ng enforcer, nagsumbong sa mga otoridad ang biktima kayat isinagawa ang entrapment operation na nagresulta sa pagkahuli ng suspek.

Bukod sa pera, nakuha rin sa posisyon ng suspek ang isang kalibre 45 na baril, dalawang magazine at mga bala.