-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Inaalam pa sa ngayon ng mga otoridad kung may kaugnayan sa trabaho nito ang pamamaril-patay sa isang empleyado ng munisipyo sa Datu Piang, Maguindanao.

Kinilala ng Datu Piang PNP ang biktima na si Guiazali Lumenda Lumilis, 39 y/o, maintenance foreman ng Datu Piang LGU at residente ng nasabing lugar.

Ayon kay Major Bangon Mamako, hepe ng Datu Piang MPS, nakatanggap sila ng tawag mula sa isang concerned citizen na may nangyari umanong pamamaril sa naturang lugar.

Kaagad naman silang nagresponde sa crime scene kasama ang 1402nd RMFC at doon nakita ang nakahandusay na biktima.

Lumalabas sa paunang imbestigasyon ng mga otoridad na pauwi sana ang biktima sa kaniyang tahanan nang bigla itong pinagbabaril ng hindi nakilalang suspect gamit ang caliber .45 pistol.

-- Advertisement --

Nadala pa sa Abpi-Samama Lying-In Medical Hospital ang biktima para gamutin ngunit idineklarang dead on arrival ng attending physician.

Nagtamo ng maraming tama ng bala sa katawan ang biktima dahilan upang agad itong bawian ng buhay.