Kinumpirma ni House of Representatives Secretary General Jose Luis Montales na pumanaw na ang isa nilang empleyado na nagpositibo sa Coronaviruse Disease 2019 (COVID-19).

Ang nasabing empleyado ay nagtatrabaho sa printing service department ng Kongreso.

Ayon naman kay Health Secretary Francisco Duque, kanila pang bina-validate ang naturang kaso sa Kamara kung kabilang na ito sa walong fatalities ng COVID-19.

Dahil dito, karamihan sa mga mambabatas ang nagdesisyon na sumailalim sa home quarantine.

Samantala, hiniling ni PBA Party List Rep Jericho Nograles sa House secretary general na agad magsagawa ng contact tracing.

“Let’s be mindful of any symptoms and do our part on the community quarantine guidelines,” mensahe ni Nograles.

Sa kasalukuyan, ang Pilipinas ay nasa state of public health emergency dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.