-- Advertisements --

Agad na lumikas ang mga trabahador sa Fukushima nuclear plant matapos ang paglabas ng tsunami warning.

Itinaas ng Japan ang warning matapos ang pagtama ng magnitude 8.7 na lindol sa far eastern coast ng Russia.

Lahat ng mahigit 4,000 na mga empleyado ng nuclear plant ay lumikas para sa kanilang kaligtasan.

Wala namang naitalang anumang abnormalidad sa planta matapos ang nasabing lindol.

Magugunitang noong Marso 2011 ng tamaan ang Japan ng magnitude 9 na lindol na sinundan ng tsunami kung saan mahigit 18,000 katao ang nasawi.