-- Advertisements --
Tuluyan nang nakalabas ng Philippine area of responsibility (PAR) ang tropical depression Emong.
Ayon sa Pagasa, nakalabas ito sa karagatang sakop ng Pilipinas kaninang pasado alas-9:00 ng umaga.
Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 165 km sa hilagang kanluran ng Itbayat, Batanes.
Kumikilos ito patungo sa China sa bilis na 25 kph.
Bahagya namang nabawasan ang taglay nitong lakas sa nakalipas na mga oras.
Gayunman, aasahan pa rin ang mga pag-ulan sa malaking bahagi ng ating bansa dahil sa hanging habagat.