-- Advertisements --

Abala si Eman Bacosa Pacquiao sa paghahanda para sa kanyang nalalapit na laban sa Pebrero 2026.

Magfofocus rin aniya ito sa kanyang training ngayong buwan ng Disyembre hanggang sa buwan ng Enero sa susunod na taon.

Paliwanag niya, nagsisimula ang kanyang ensayo nang madaling araw, 4:00 o 3:00 ng umaga.

Ito aniya ay sa pamamagitan ng pagtakbo ng 13 hanggang 15 kilometro, shadow boxing, sit-ups, at pagsasagawa ng push-ups.

Sinabi naman ni Eman na sa Davao nila ipagdiriwang ang pasko kasama ang kanyang pamilya.