Kinumpirma ng Commission on Election (Comelec) na magsisimula na sa darating na August 28,2023 ang election period at gun ban para sa nalalapit na Barangay at SK election.
Ayon kay Comelec Spokesperson John Rex Laudiangco na handang-handa na ang Comelec para sa nalalapit na halalan.
Sinabi ni Laudiangco na by 12 midnight mamayang gabi, magse-set up ang Philippine National Police ng mga checkpoint na hudyat na nagsimula na ang election period.
Inihayag ni Laudiangco na magsisimula na rin silang tatanggap ng certificates of candidacy (COCs) mula Aug. 28 hanggang Sept. 2, mula Lunes hanggang Sabado.
Ang campaign period ay magsisimula sa October 19 hanggang October 28.
Ibinunyag din ng Comelec na kanilang ipagbabawal ang pagdadala ng cash na nasa P500,000 o higit pa mula Oct. 25 hanggang sa Election Day sa October 30,2023.