-- Advertisements --

Ipinagtanggol ni PNP chief General Guillermo Eleazar ang plano ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pag-armas sa anti-crime civilian volunteers.

Sinabi nito na ang nasabing hakbang ay para sa volunteerism at hindi vigilantism.

Pagtitiyak nito sa Commission on Human Rights (CHR) na hindi maaabuso ito ng mga sibilyan.

Dadaan daw sa mahigpit na rules and procedures para sa pagproseso ng pagdadala ng baril ang mga sibilyan.

Ilan sa mga ito ay ang pagkakaroon ng License to Own and Possess Firearms (LTOPF) at ang Permit to Carry Firearmss Outside Residence (PTCFOR).

Magugunitang kinontra ng CHR ang nasabing plano ng pangulo dahil kung saan nakasaad sa probisyon sa 1987 Constitution na dapat ang gobyerno ay magmantine lamang ng isang national police force.