KORONADAL CITY – Tuloy pa rin ang pagdiriwang ng mga kapatid nating Muslim sa pagdiriwang ng Eid’l Fitr ngayong taon sa gitna ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ito ang inihayag ni Sultan Mutalib Sambuto, ang Muslim Affairs Chief sa lalawigan ng South Cotabato sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Koronadal.
Ayon kay Sultan Sambuto, isasagawa pa rin ang mga nakagawiang tradisyon kada taon ngunit sa ngayon ay mahigpit na inoobserba ang mga patakaran na ipinaiiral ng gobyerno upang maiwasan ang pinangangambahang COVID-19.
Mangilan-ngilan rin ang pumupunta sa mosque upang manalangin at magpasalamat kay Allah sa pagtatapos ng isang buwang pag-aayuno.
Sa ngayon ay naghahanda sila para sa sanduli o salo-salo matapos ang pag-obserba ng Ramadan.
Panalangin naman nito kay Allah na mailayo ang anumang panganib sa mundo at manatiling payapa sa gitna ng COVID-19 pandemic.