Nakuha ni Filipino MMA fighter Edward Kelly ang panalo sa pamamagitan ng TKO laban kay Sung Jung Lee.

Nakalabas mula sa submission attempt ang Team Lakay warrior at binigyan niya ng matinding suntok sa ulo nito ang kalaban sa loob na 2:51 natitira sa ikalawang round sa kanilang undercard ng ONE: Roots of Honor sa laban na ginanap sa Mall of Asia.

Edward "The Ferocious" Kelly sends Manila into a meltdown with a thrilling TKO of Sung Jong Lee at 2:51 of Round 2! 🇵🇭

Edward "The Ferocious" Kelly sends Manila into a meltdown with a thrilling TKO of Sung Jong Lee at 2:51 of Round 2! 🇵🇭Watch the full event on the ONE Super App 👉 http://bit.ly/ONESuperApp | TV: Check local listings for global broadcast

Nai-post ni ONE Championship noong Biyernes, Abril 12, 2019

Dahil sa matinding tama ay tuluyan ng itinigil ng referee ang laban.

Sinabi ni Kelly na napag-aralan nito ang laro ni Sung at dahil sa panalo ay mayroon na itong record na 12 panalo at 6 na talo.

Mayroon naman apat na panalo at limang talo ang Korean fighter.

Hindi naman nagtagumpay ang kapatid ni Edward Kelly na si Eric sa kamay ni Kwon Won kung saan pinatumba siya sa loob ng 19 segundo sa unang round.

Panalo rin si Ramon Gonzales laban kay Akihiro Fujisawa sa 1:19 sa unang round.