-- Advertisements --

Isinulong ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagtataguyod ng educational tourism sa pagitan ng Japan at Pilipinas, partikular sa exchange students at mga propesyunal sa larangan ng turismo.

Ayon sa Pangulo, naniniwala siyang ang nasabing hakbang ay isang potensiyal na pamamaraan upang maibalik sa dati ang industriya Ng turismo at maging isang pangunahing economic driver ng bansa.

Sinabi ng Pangulo sa kanyang roundtable meeting kasama ang tourism stakeholders, na tinatahak na ang pagbangon ng Pilipinas kung saan naitala ang higit 2.65 million foreign visitors noong 2022.

Ito ay mas mataas sa inisyal na target na 1.7 milyon.

Dagdag ng Pangulo na sa pagtutulungan ng Pilipinas at Japan na mapalakas pa ang turismo ng dalawang bansa, ay tiyak itong magdudulot ng positibong epekto sa economic resurgence.

Inimbita pa nga ng Pangulo ang mga estudyanteng hapon na mag-aral ng wikang Ingles sa Pilipinas, bilang parte ng isinusulong ng pamahalaan na palitan ng estudyante at mga propesyunal sa pagitan ng dalawang bansa.