IATF CEBU Cimatu COVID

CEBU CITY – Umani nang iba’t ibang reaksyon mula sa mga Sugboanon ang pagsuspendi ng GCP patungo sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) pass sa siyudad ng Cebu.

Kumalat kasi sa social media ang agam-agam na sususpendihin ang quarantine pass sa nasabing syudad.

Ibig sabihin nito ay sisitahin ang mga Sugboanon na lalabag at lalabas sa kanilang bahay kahit may dala pa itong quarantine pass.

Samu’t saring katanungan ang nalikom naman ng Bombo Cebu news team sa social media kung saan karamihan sa tanong ay kung naka-lockdown na ba ang syudad. At kung ano na rin ang gagawin kung lalabas para bumili ng pagkain, mga gamot, at iba pang-essentials.

Sa isang memorandum ng Cebu City Police Office (CCPO) kagabi, inutos ni CCPO OIC Col. Cydric Earl Tamayo sa lahat ng station commander na suspendihan ang lahat ng quarantine pass sa syudad alinsunod sa utos ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año.

Sinasabing tanging mga authorized person outside their residence (APOR) at mga essential personnel lamang maaring lalabas sa kanilang bahay.

Inuutos din nito ang lahat ng station commander na magtalaga ng holding area kagaya nang gymnasium na sasalo sa lahat nga mga lalabag sa bagong panukala.

Kasali na rin dito ang pagpaigting ng seguridad sa barangay control points at pagtatalaga ng PNP personnel na mangunguna nito.

Maari ring mag-submit ng report ang mga station commander sa mga barangay officials na hindi susunod sa nasabing lagda.

Bunsod na rin ito na pagkatapos bumisita ang bagong head ng taskforce COVID-19 sa Cebu na si retired general at DENR Secretary Roy Cimatu.

Nakipagpulong ito sa mga LGU officials kasama sina Sec. Año, DND Sec. Delfin Lorenzana at si DOH Secretary Francisco Duque III.

Dinaluhan ang nasabing pagpapulong ng Cebu LGUs kasama sina Cebu City Mayor Edgar Labella, Talisay City Anthony Gerald ‘Samsam’ Gullas, Cebu Governor Gwen Garcia, DOH-7 regional director Dr. Jaime Bernadas.

Ang pulong ay inorganisa ni OPAV Secretary Michael Dino.

Tinalakay dito ang kasalukuyang estado ng COVID-19 sa Cebu, maging ang sunod na hakbang ng siyudad at probinsya sa paglaban sa COVID-19.

Naniniwala naman si Cimatu na magiging maganda ang hakbang at paghahanda ng siyudad laban sa COVID-19 pero sana hindi na sana niya gagamitin ang mga pulis at militar sa pagpatutupad ng health protocols at quarantine measures sa lungsod.

Sa ibang banda naman, ibinalik na ni Gov. Garcia ang mas istriktong border control na palabas at papasok ng Cebu province dahil sa ECQ area na ang Cebu City epektibo nitong Miyerkules.

Binigyan naman ni Gov. Gwen ang mga empleyado na naka-address sa probinsiya pero nagtatrabaho sa Cebu City ng 48 hours para mamili kung uuwi sila sa kanilang-kanila probinsya o titira na lang sa syudad.

Nakapaloob naman sa probisyon ng Section 8 sa Executive Order No. 17 ng gobernadora na nagtatalaga ng GCQ protocols para sa Cebu province na tanging mga government officials, hanay ng pulis at AFP, mga health personnel at staff, media, mga empleyado na essential services gaya sa kuryente, tubig, telco provider, bangko at yaong nakapaloob sa nasabing panukala ang maari lamang labas-pasok sa probinsya.

Aypn pa sa gobernadora para raw ito maprotektahan ang probinsya dahil nagsimula ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa kanyang nasasakupan pagkatapos nagpatupad sila ng mas maluwag na border control sa pagitan ng Cebu City at Cebu province.

Sinabi pa nang gobernadora na hindi masyadong alarming ang naging sitwasyon pero pag-amin niya na meron talagang pagtaas nang naitalang mga bagong kaso ng COVID-19 sa kanyang nasasakupan.