Lusot na sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara ang Resolution of Both Houses No. 2 (RBH 2) o ang panukalang amiyenda para sa restrictive economic provisions ng 1987 Constitution.
Pasok sa 3/4 votes ang 251 na kongresistang bumoto ng pabor sa RBH 2, base sa kabuuang 300 miyembro ng mababang kapulungan ng Kongreso.
Sa naganap na nominal voting, 21 mambabatas ang tumutol habang dalawa naman ang nag-abstain sa economic Charter change (Cha-Cha).
Sa ilalim ng RBH 2, pinapa-amiyendahan ang Article XII o National Patrimony; Article XIV o Education, Science, Technology, Arts, Culture and Sports; at Article XVI o General Provisions.
Hindi naman issasama na sa aamiyendahan ang Section VII ng Article XII na tumutukoy naman sa pagmamay-ari ng lupa ng mga dayuhan.
Isisingit ang mga katagang “unless otherwise provided by law” para maluwagan ang limitasyon sa pagmamay-ari ng mga dayuhan pagdating sa natural resources, public utilities, educational institutions, media, at advertising sa bansa.