-- Advertisements --
Niyanig ng 5.0 magnitude na lindol ang ilang bahagi ng eastern Visayas nitong araw ng Linggo.
Ayon sa Phivolcs, naramdaman ito bandang alas-2:47 ng madaling araw.
May lalim itong 37 kilometro at tectonic ang pinagmulan.
Naitala ang epicenter sa layong 12 km sa timog kanluran ng Jipapad, Eastern Samar.
Instrumental Intensities:
Intensity II – Villareal, Samar; Dulag, Leyte; Mapanas, Northern Samar
Intensity I – Basey, Samar