Tinugon ng patutsada ni Pangulong Rodrigo Duterte ang naging pahayag ni Vice President Leni Robredo na “failure” o bigo ang anti-drug war sa nakalipas na ilang taon.

Sinabi ni Pangulong Duterte sa isang ambush interview sa MalacaƱang, 18 araw lamang si VP Robredo bilang co-chair ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD) kaya paano niya masabing bigo ang kampanya ng gobyerno laban sa iligal na droga.

Ayon kay Pangulong Duterte, isang “colossal blunder” o malaking pagkakamali ang pagkakapanalo ni VP Robredo lalo pa’t nasa 200,000 boto lang naman ang naging lamang nito kay dating Sen. Bongbong Marcos.

Una ng inihayag ni VP Robredo na isang porsyento lamang ang score nito sa kabuuang anti-drug campaign ng administrasyon dahil maliit lamang ang nagawa sa lawak ng problema sa iligal na droga.