Muling nanguna si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagsalubong sa pagdating ng one million doses ng Sinovac COVID-19 vaccines mula sa China.
Ito ang kauna-unahang vaccines na dumating sa bansa na binili ng pamahalaan.
Naging simple lamang ang okasyon lalo na at nasa ilalim ang Metro Manila sa ECQ kung saan ginanap ang seremonyas dakong alas-5:30 ng hapon sa Villamor Airbase sa lungsod ng Pasay.
Liban sa pangulo, dumalo rin si Health Secretary Francisco Duque III, vaccine czar Carlito Galvez Jr., Sen. Bong Go at Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian sa maiksing aktibidad.
Matapos ang ceremonial labelling sa Sinovac kung saan binili ito ng P700 million ng gobyerno, dinala naman ito dakong gabi na sa storage facility sa Marikina City.
Sinasabing balak ng gobyerno na bumili ng hanggang 25 million doses ng CoronaVac mula sa China.
Kung maalala ang unang dalawang shipments ng CoronaVac na umabot sa one million doses ay donasyon sa Pilipinas ng Chinese government.