Ipinaalala ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga bagong graduate ng Philippine Military Academy (PMA) at Philippine National Police Academy (PNPA) na dapat nilang gampanan nang buong husay ang kanilang mandato na pangalagaan ang mamamayan at manatiling tapat sa Saligang Batas.
Sa pangunguna ng Pangulong Duterte sa virtual simultaneous Commencement Exercises ng PMA at PNPA sa MalacaƱang, sinabi nito na taglay dapat ng mga graduates ng nasabing mga akademya ang pagmamahal sa bayan, integridad, malasakit sa mga kapos sa buhay at pagtalima sa batas.
“Your magna carta and for all us if the Constitution of the Republic of the Philippines. Remain true to that sacred document,” pahayag ng pangulo.
“Remain true to the Filipino flag. Graduates there is both a question and a challenge that beg your response, think it over. You have all the time to do that, thereafter act accordingly,” dagdag nito.
Umaasa ang pangulo na hindi sasayangin ng mga bagong tinyente ang itinuro sa kanila ng kanilang alma mater sa loob ng apat na taon.
Ayon pa sa presidente, hindi rin daw dapat hayaan ng mga bagong graduates na sirain ng coronavirus pandemic ang kanilang kasiyahan ngayong seremonya ng kanilang pagtatapos.
“I can feel the pride resulting in what you have accomplished but believe me that prouder still are your parents and loved ones. All of you owe your parents so much that is why I consider this special day as theirs as much as it is yours,” wika ni Duterte.
Kasabay nito, nagbigay ng house and lot na nagkakahalagang P2-milyon ang Pangulong Duterte sa valedictorian ng PMA Class 2020 na si Cadet First Class Gemalyn Deocares Sugui.