Reading Time: 2 minutes
West PH Sea map South China spratlys reed bank
South China Sea map showing the claims and facilities of each country (photo from @IndoPac_Info)

Tahasang binalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga foreign vessels lalo na ang mga Chinese warships na walang abisong dumadaan sa territorial waters ng Pilipinas.

Ginawa ni Pangulong Duterte ang babala kasunod ng mga serye ng pagdaan ng Chinese warships sa Sibutu Strait na walang paalam at nagpapatay pa ng automatic identification system.

Ang mga nasabing insidente ay labis na ikinadismaya ni Defense Sec. Delfin Lorenzana at naghain na rin ng diplomatic protest laban sa China.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, simula ngayong araw ay inaabisuhan nila ang lahat ng foreign vessels na magpasabi at kumuha ng clearance sa kaukulang government authority bago ang planong pagdaan sa territorial waters ng Pilipinas.

Ayon umano kay Pangulong Duterte, inaasahan nilang makakuha ng “friendly compliance” dahil kung hindi ay ipatutupad ito sa “unfriendly manner” o pagtataboy sa sangkot na foreign vessel.

Pero nilinaw ni Sec. Panelo na coast guard ang magpapatupad nito at hindi militar.

Duterte on Lotto
Duterte

“To avoid misunderstanding in the future, the President is putting on notice that beginning today, all foreign vessels passing our territorial waters must notify and get clearance from the proper government authority well in advance of the actual passage. Either we get a compliance in a friendly manner or we enforce it in an unfriendly manner,” ang pahayag ni Pangulong Duterte na binasa ni Sec. Panelo.