-- Advertisements --

Kinumpirma ni Pangulong Rodrigo Duterte na siya ang nag-utos na mailipat ang mga high profile convicts na tumestigo laban kay Sen. Leila De Lima mula New Bilibid Prison papuntang Philippine Marines Corps barracks sa Taguig.

Sa kanyang talumpati kagabi sa Cebu, sinabi ni Pangulong Duterte na ginawa niya ito dahil may mga galamay pa umano si De Lima sa Bilibid at baka ipapatay ang mga nasabing inmates na convicted sa drug cases.

Kabilang dito sina Peter Co, Joel Capones, Jojo Baligad at Froilan Trestiza.

Ang nasabing kautusan ni Pangulong Duterte ay inaprubahan ni dating Bureau of Corrections (BuCor) Director General Nicanor Faeldon na tinanggal ng pangulo kasunod ng kontrobersya sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) na nagpalaya sa ilang heinous crime convicts.