Dumating na kagabi si Pangulong Rodrigo Duterte sa Thailand para dumalo sa na 35th ASEAN Leaders’ Summit.
Sinalubong nina Philippines Ambassador Mary Jo Bernardo-Aragon at Chief Presidential Protocol and Presidential Assistant on Foreign Affairs Robert Borje si Pangulong Duterte.
Kabilang rin sa mga sumalubong sa Pangulo sina Thailand Deputy Prime Minister at Minister of Public Health Anutin Charnvirakul at Thailand Deputy Chief of Protocol Vosit Vorasup.
Ngayong araw ay dadalo si Pangulong Duterte sa ASEAN Plenary at iba pang ASEAN related summits.
Inihayag ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, malapit kay PangulongDuterte ang tema ng summit ngayong taon na “Advancing Partnership for Sustainability” dahil naniniwala ito sa kahalagahan ng pagsusulong ng pakikipagkaibigan, responsible partnership at kooperasyon tungo sa layuning pag-unlad ng lahat at patuloy na pag-usad ng Pilipinas.
Ito na ang ikaapat na beses na pagbisita ni Pangulong Duterte sa Thailand.