-- Advertisements --

Binalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga nagpaparenta ng mga gusali na huwag piliting magbayad ang mga umuupa sa kanila dahil sa ipinapatupad na Luzon lockdown.

Sa kaniyang talumpatin nitong madaling araw ng Huwebes Santo, sinabi ng pangulo na hindi ito magdadalawang isip na lumabag sa batas para lamang maprotektahan ang mga umuupa.

Kailangang intindihin din ng mga negosyante na mahirap ang pera sa mga umuupa dahil sa nawalan sila ng kita mula ng ipatupad ang lockdown.

Nagmakaawa na lamang ang pangulo na huwag pilitin ang mga umuupa na singilin para hindi humantong sa pagsasagawa ng legal na hakbang ng gobyerno.

“Nagmamakaawa ako sa inyo: Huwag ninyong pilitin ang tao. Walang pilitan kasi talagang mageengkwentro tayo. Hindi talaga ako papayag. Huwag ninyo akong pilitin to go against the law,’ wika ng pangulo.

Nauna rito nagpatupad ang Department of Trade and Industry (DTI) ng 30-day grace period sa mga renta maging residential o commercial tenants partikular na ang mga micro, small at medium enterprises.