Nagpahiwatig ng posibilidad si Sen. Bong Go na maaaring kumuha ng susunod na Philippine National Police (PNP) chief si Pangulong Rodrigo Duterte sa labas ng inihandang shortlist ng Department of Interior and Local Government (DILG).

Ayon kay Go, hindi limitado ang presidente sa tatlong pagpipilian lamang.

“Ibig sabihin ay posibleng lumabas dyan sa tatlo ang kanyang pipiliin,” wika ni Go.

Giit ng senador, honesty ang malaking batayan ng pangulo para piliin ang susunod na chief PNP.

Kabilang sa mga nasa shortlist sina: PNP officer-in-charge Lieutenant General Archie Francisco Gamboa, deputy chief for operations Lieutenant General Camilo Cascolan at Chief of the Directorial Staff Major General Guillermo Eleazar.