Reading Time: 1 minute
duterte negros 1

Itinaas na ni Pangulong Rodrigo Duterte sa P5-milyon ang pabuya para sa ikakahuli ng mga suspek na pumatay sa apat na pulis sa Ayungon, Negros Oriental.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, labis na ikinagalit ng Pangulo ang ginawang brutal na pagpatay ng New People’s Army (NPA) sa mga kapulisan.

Sinabi naman ni Philippine National Police (PNP) chief General Oscar Albayalde, mayroon na silang 11 mga suspek na kanilang nakilala na nasa likod ng insidente.

Una nang nag-alok ang Pangulo mula P1.3 milyon hanggang ito ay naging P3 milyon na kaniyang inanunsiyo sa kasagsagan ng kaniyang State of the Nation Address.