Ipinagtanggol ni Pangulong Rodrigo Duterte si National Capital Region Police (NCRPO) chief Major General Debold Sinas sa kinakaharap nitong kontrobersiya matapos ang kaarawan nito.
Sa kaniyang talumpati nitong Martes ng gabi, sinabi ng Pangulo na kailangan niya ang serbisyo ni Sinas.
Napag-aralan na rin daw niya ang anumang merit at demerit ng mga reklamo laban sa kaniya.
Giit pa ni Duterte, hindi aniya kasalanan ni Sinas na haranahan siya sa kaniyang kaarawan.
Normal din aniya na tanggalin ng mga dumalo ang kanilang mga face mask dahil may mga kainan na nagaganap.
Magugunitang umani nang batikos ang naganap na mañanita ni Sinas noong kaarawan nito kung saan marami aniyang paglabag gaya ng social distancing at pagbabawal ng pagkakaroon ng mass gathering.
Dahil sa nasabing isyu ay sinampahan ng PNP ng kaso si Sinas at 18 iba pa.