-- Advertisements --
Kinumpirma na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagtungo nito sa China sa katapusan ng buwan.
Sa kaniyang talumpati sa Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. sa Malacañang, sinabi nito na kanilang tatalakayin ang isyu sa maritime dispute ng dalawang bansa.
Hindi na nagbigay pa ang anumang detalye ang pangulo sa posibleng pag-uusapan nila ni Chinese President Xi Jinping
Nilinaw din nito na mananatili pa ring kaalyado ng Pilipinas ang China.