-- Advertisements --

Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang inter-agency task force na pinangungunahan ni Justice Sec. Menardo Guevarra na magsagawa ng malawakang imbestigasyon sa buong gobyerno o sa lahat ng ahensya o departamento.

Sa kanyang public address, sinabi ni Pangulong Duterte na nakapaloob ito sa kanyang bagong Memorandum na nagpapalawak sa saklaw ng nauna nitong direktiba noong Agosto na pagbuo ng task force para imbestigahan ang anomalya sa Philippine Health Insurance Corporations (PhilHealth).

Ayon kay Pangulong Duterte, binibigyan nito ng otoridad ang Department of Justice (DOJ) na magdesisyon kung aling alegasyon ang iimbestigahan depende sa bigat at impact nito sa pamamahagi ng government service.

prrd 3

Inihayag ni Pangulong Duterte na may kapangyarihan ang DOJ na bumuo ng kahit ilang panel na kinakailangan at mag-imbita o mag-utos sa ibang government bodies para tumulong sa imbestigasyon.

Bahagi ng trabaho ng DOJ ang paglilitis at pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa mga sangkot sa anomalya o katiwalian.

Epektibo ang nasabing kautusan hanggang Hunyo 30, 2022 o hanggang matapos ang termino ni Pangulong Duterte maliban na lamang kung mas maaga nitong bawiin o ipawalang-bisa.

“I have said enough. Let me just read for everybody. I hope that all government workers, officials are listening. This is my — a memorandum from me, the President, to Secretary Menardo I. Guevarra, Department of Justice. Ang subject is: “Investigate of allegations of corruption in the entire government.” Lahat. Ito.. “further to the directive issued by the Department of Justice (DOJ) thru memorandum from the President, dated 7 August 2020, to organize a panel to investigate allegations of corruption in the Philippine Health Insurance Corporation,” ani Pangulong Duterte.

“The DOJ is hereby directed to investigate allegations of corruption in the entire government.” Lahat na. Kuridas ito. “In pursuit of this directive, the DOJ shall have the authority to decide which allegation to investigate taking into consideration the gravity thereof and their impact on the delivery of government service.”