Reading Time: 1 minute
Duterte gestures
President Rodrigo Duterte

Ibinunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte na siya ang nag-utos para tambangan si dating Daanbantayan, Cebu Mayor Vicente Loot noong nakaraang taon.

Sa kaniyang talumpati sa Malacañang matapos pangasiwaan ang panunumpa ng mga bagong talagang government officials, hindi maiwasan ng Pangulo na mapamura dahil nakaligtas pa rin daw si Loot.

Magugunitang nakaligtas si Loot sa ambush noong Mayo 2018.

Note: Please click above President Duterte’s statement on Mayor Loot

Isa ang dating police general na pinangalanan ng Pangulo na protector umano ng iligal na droga.

Unang idinawit ng Presidete si dating DILG Secretary Mar Roxas na siyang nasa likod ng ambush kay Loot.

Naging PNP Training Service director at PNP Regional director ng Region 8 si Loot bago ito tuluyang nagretiro sa serbisyo.