-- Advertisements --

Hindi umano malabong bumuo si Pangulong Rodrigo Duterte ng hiwalay na Task Force na mag-iimbestiga sa umano’y anomalya sa mga proyekto sa ilalim ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Pahayag ito ni Presidential Spokesman Harry Roque sa gitna ng mga pagdududa sa kahihinatnan ng imbesigasyon ng Task Force na binuo ng DPWH na kinabibilangan rin ng kanilang mga tauhan.

Sinabi ni Sec. Roque, posible itong gawin ni Pangulong Dutert, lalo una na rin niya itong ginawa laban sa katiwalian sa PhilHealth.

Gayunman, nakadepende pa rin umano ito sa kung paano kikilos ang kasalukuyang task force at sa kakayahan nitong gawing accountable ang mga nagkasala.

“But it really all depends on how this new task force will operate, if it is credible, if it can hold individuals accountable for their acts. Because the President has vowed to the nation that he will devote his remaining two years term in office in cleansing the ranks of government,” ani Sec. Roque.