duterte salutes
Duterte

GENERAL SANTOS CITY – Wala umanong meeting na nangyari sa pagitan nina Pangulong Rodrigo Duterte at KAPA-Community Ministry International Inc. o Kabus Padatoon founder Joel Apolinario.

Ito ang sinabi ni GenSan Mayor Ronnel Rivera matapos tawagan si Senator-elect Christopher “Bong” Go at inalam kung nagkita nga ang dalawa bago lumuwas sa lungsod Huwebes ng hapon para sumaksi sa pamimigay ng 13,000 titulo ng lupa.

Layunin ni Rivera na matukoy ang katotohanan matapos nagmatigas ang mga KAPA na ipatuloy ang kanilang operasyon makaraang ihayag ni Apolinario sa kanyang mga miyembro na nakipagkita ito sa Pangulo doon sa Davao City.

Sinabi pa ni Apolinario na binawi na umano ni Duterte ang unang pahayag na sarhan ang lahat na investment scam pati ang KAPA.

Matatandaang binisita ni Pangulong Duterte ang GenSan kung saan kinastigo at minura nito Apolinario at sinabihang naghihintay na sa kanya ang impyerno.