Espenido, Duterte, Panelo
Police Lt. Col. Jovie Espenido

Naniniwala si Pangulong Rodrigo Duterte na “black propaganda” lamang ng mga kalaban kaya napasama sa drug watchlist ang kontrobersyal na si Lt. Col. Jovie Espenido.

Layon umano nito na siraan ang reputasyon sa Pangulong Duterte at sa sambayanang Pilipino.

Si Espenido ang isa sa mga “poster boy” ng Duterte government sa kampanya laban sa iligal na droga.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, sa ngayon buo pa rin ang tiwala at kumpiyansa ng Pangulo kay Espenido.

Sinabi ni Panelo hindi naniniwala ang Pangulo na sangkot sa illegal drugs si Espenido.

Kung maalala si Espenido ang nanguna sa operasyon sa Ozamiz City kung saan napatay si Mayor Reynaldo Parojinog at maging sa Albuera, Leyte kung saan sa huli ay napatay din si Mayor Rolando Espinosa.