Naaaresto sa Dubai ang namumuno sa cocaine-trafficking gang at tinaguriang most wanted sa Netherlands.

Ang Moroccan-born na si Ridouan Taghi, 41 ay naaresto sa pamamagitan ng international arrest warrants sa kasong murder at drug trafficking.

Siya rin ang itinuturong suspek na namaril at pumatay sa Dutch lawyer sa state witness sa kaso laban sa kaniya.

Sinabi naman ni Dutch police chief Erik Akerboom na ang pagkakaaresto kay Taghi ay bunga ng pakikipagtulungan ng dalawang bansa.