-- Advertisements --
Nagtala sa kasaysayan ng tennis si rising star Mirra Andreeva.
Siya lang kasi ang pinakabatang manalalro na nagwagi ng WTA 1000 title.
Nakamit ng 17-anyos na Russian player ang titulo matapos na talunin si Clara Tauson sa Dubai Duty Free Tennis Championships.
Nagtapos ang laro ng isang oras at 46 minuto at nakakuha siya ng 7-6(1), 6-1 na panalo sa final.
Sa edad nitong 17 anyos at 299 days old ay umakyat ito sa top 10 ang world ranking.
Pinasalamatan nito ang kaniyang pamilya at koponan matapos an makuha ang tagumpay.