-- Advertisements --
Ibinahagi ng Pinay girl group na BINI ang mainit na pagtanggap sa kanila sa Dubai.
Nasa Dubai ang grupo sa para sa kanilang BINIverse World Tour 2025.
Sa social media account ng grupo ay ibinahagi ang larawan ng pagdagsa ng mga fans sa pagdating lamang nila sa paliparan.
Pagtitiyak nila hindi masasayang ang binayad at oras ng mga fans na manonood ng kanilang concert.
Gaganapin ang konsyerto ng grupo sa Coca-Cola Arena sa Mayo 18.
Nagsimula sa bansa noong Pebrero ang BINIverse Tours kung saan magtutungo sila sa United Kingdom at US.