-- Advertisements --

Personal na pinili ni NBA star Kevin Durant ang Los Angeles Clippers na makakapasok sa finals.

Dagdag pa ng Brooklyn Nets forward na kayang-kayang talunin ng Clippers ang Milwaukee Bucks sa championship.

Sa kaniyang podcast, sinabi nito na kung siya ang pagpipiliin ay hindi malayong makapasok ang Clippers at Bucks.

Dagdag pa nito na mayroong magandang samahan sina Paul George at Kawhi Leonard sa Clippers.

Kasalukuyang nagpapagaling si Durant dahil sa injury nito na natamo noong nakaraang taon.