-- Advertisements --

Nakaambang bumaba ng mahigit P4 kada litro ang presyo ng mga produktong petrolyo ngayong Martes, Agosto 11, ayon sa Department of Energy (DOE).

Sa advisory ng DOE, P4.70 kada litro ang ibabawas sa presyo ng gasolina.

Bababa naman ng P4.30 kada litro ang presyo ng diesel, kabilang ang Diesel Plus.

Samantala, P4.88 kada litro ang itatapyas sa presyo ng kerosene.

Ayon sa DOE, nakabatay ang pagbaba ng presyo ng langis bunsod nang paggalaw ng presyo sa pandaigdigang merkado.

Patuloy anilang nakaaapekto sa global oil supply at presyo ang mga kaganapan sa Gitnang Silangan.

Tiniyak naman ng kagawaran na patuloy itong gumagawa ng mga hakbang upang mapalakas ang suplay ng langis sa bansa at maprotektahan ang kapakanan ng publiko.

Epektibo ang pagbaba ng presyo bandang 6:00 ng umaga.