-- Advertisements --

Hindi na makakabalik ngayong season para makapaglaro si NBA star Kevin Durant.

Sinabi nito na sa pagbabalik ng mga laro sa NBA sa Hulyo ay malayong makapaglaro ito dahil sa pagpapagaling pa rin sa kanyang natamong injury sa Achilles tendon.

Dahil dito ay nagpasya na itong sa susunod na season na lamang maglaro.

Dagdag pa nito, nagdesisyon na rin ang Brooklyn Nets na hindi na muna ito maglaro ngayong season.

Magugunitang lumala ang injury nito sa kanang Achilles tendon sa NBA Finals noong siya ay nasa Golden State Warriors sa game laban sa Toronto Raptors.

Matapos ang ilang buwan ay lumipat ito sa Nets kung saan maraming fans ang natuwa dahil makakasama na nito NBA star Kyrie Irving.