Nakataas muli ang Yellow Rainfall Warning sa malaking bahagi ng Luzon ngayong araw at inaasahang magpapatuloy hanggang bukas, Aug. 14, 2026.
Ito ay dulot ng patuloy na pag-iral ng hanging habagat at ng localized thunderstorm. Ang mga naturang pag-ulan, ayon sa state weather bureau, ay maaaring magpalala sa mga pagbahang kasalukuyan nang nararanasan sa maraming lugar sa Luzon.
Kabilang sa mga lugar na nasa ilalim ng Yellow Warning ay ang mga sumusunod:
Metro Manila
Cavite
Bataan
Zambales
Batangas: Laurel, Lemery, Calaca, Balayan, Tuy, Nasugbu, Lian, Calatagan
Bulacan: Obando, Bulakan, Malolos, Hagonoy, Paombong
Pampanga: Floridablanca, Lubao, Sasmuan, Macabebe, Masantol
Sa kabilang banda, posibleng maranasan din sa mga probinsiya ng Laguna, Tarlac, Rizal, Nueva Ecija, Quezon, at iba pang lugar sa Pampanga, Bulacan, at Batangas, ang light to moderate hanggang sa minsan ay heavy rains.
Maaaring magpatuloy ang mga naturang pag-ulan sa loob ng tatlong oras o mas matagal pa.












