Abanse na ang NBA defending champion Golden State Warriors sa 2-0 lead laban sa Houston Rockets nang mamayani sa Game 2 ng NBA second round play off.

Muling nanguna si Kevin Durant sa kanyang 29 points habang umepekto ang matinding depensa na inilatag kay James Harden na nagtapos sa 29 points at seven rebounds.

Gumana rin sa opensa ang iba pang mga Warriors na sina Klay Thompson na nagpakita ng 21 points at nagpasok pa ng sunod sunod na 3-pointers sa huling bahagi ng third quarter habang si Draymond Green ay hindi nagpahuli sa kanyang 15 points, 12 rebounds at seven assists.

Si Stephen Curry naman ay noong una ay napaulat na nabalian sa kaliwang middle finger sa first quarter pa lamang pero lumabas sa X-ray na nagnegatibo ito kaya nakabalik pa rin sa game pero nakabendahe na ang kamay.

Umiskor pa rin ang dating MVP ng 20 puntos at limang assists pero noong una ay nangamote si Curry nang sumablay ang unang apat niyang pagtatangka sa 3-point areas.

Nagpadagdag pa sa problema ni Curry ay nang mauwi siya sa foul trouble na merong apat pagsapit ng ikatlong quarter.

Si Harden naman ay nagkasugat ang mata at kahit 6:39 minuto ang nalalabi sa first quarter ay pinalabas muna ng court para matingnan.

Aksidente kasing nahawakan ang kanyang mukha nang mag-agawan sila ni Draymund Green sa loose ball foul.

Bumalik naman si Harden sa oras na 7:09 minuto ang natitira sa second half.

Ang Game Three ay gagawin sa Linggo sa Houston at dito tatangkain na makabangon sila mula sa pagkasadlak sa 2-0 deficit.

stephen curry kevin durant @warriors
Warriors Kevin Durant and Stephen Curry (photo from @warriors)