-- Advertisements --

Iginiit ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III na walang “favoritism” sa ginagawang pagdedesisyon ng gobyerno kung anong bakuna ang unang aaprubahan.

Sinabi ni Duque na lahat ng vaccine candidates ay dadaan sa mabusising evaluation ng Department of Science and Technology (DOST) Vaccine Expert Panel at ng Single Joint Ethics Review Board.

Ayon sa kalihim, kung titingnan daw ang mga taong namumuno sa mga regulatory bodies ay mababatid na mayroong integridad, probity at competence ang mga ito. Binubuo umano ng tunay na mga eksperto ang vaccine expert panel ng bansa.

Ginawa ni Duque ang paglilinbaw na ito kasunod ng mga alegasyon na mas pinapaboran daw ng Pilipinas ang Sinovac mula China matapos na maunsyami ang kasunduan ng bansa sa Pfizer para sa 10 milyong doses ng gamot sa Enero.

Binigyang-diin din ng kalihim na umaksyon kaagad ang DOH alinsunod sa sistema at protocols na kinakailangan para masiguro ang negosasyon sa Pfizer.

xxx

Mga nagbibisikleta, posibleng hindi na kailanganin magsuot ng face shield

Kinokonsidera umano ng Department of Health (DOH) na irekomenda na payagang huwag na magsuot ng face shield ang mga indibidwal na nakasakay sa bisikleta.

Nababahala kasi ang publiko at mga health experts sa posibleng epekto kung pati ang mga nagbibisikleta ay kailangan na ring magsuot ng full face shields.

Sa pagpapaliwanag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, kung hindi raw komportable ang mga nagbibisikleta sa suot nilang face shield ay maaari naman nila itong tanggalin basta’t kailangan lamang nilang siguraduhin na mag-isa lamang sila at hindi sila magpupunta sa matataong lugar.

Nakatakdang maglabas ng joint administratiove order ang health deaprtment para sa magiging guidelines sa paggamit ng face shields.

Una nang sinabi ni National Task Force for COVID-19 chief implementer Secretary Carlito Galvez na tatalakayin pa nila ang magiging laman ng guidelines.