Nagtala ng panibagong world record ang Swedish pole vaulter na si Armand ‘Mondo’ Duplantis.
Nakuha ang clearance na 6.29 meters sa isang torneo sa Budapest.
Ito na ang pang-13 beses na nabasag niya ang record kung saan nitong Hunyo pa lamang ay nagtala ito ng 6.28 meters sa torneo mula sa Stockholm.
Ang nasabing record ay siya ring pangatlo ng 25-anyos na si Duplantis ngayong 2025 na una ay noong Pebrero na mayroong 6.27 meters.
Mula noong maitala ni Sergey Bubka ng Ukraine na siyang unang atleta na nagtala ng clearance ng 6 meters noong Hulyo 13, 1985 sa Paris ay 26 beses na itong nabasag.
Ang 12 ay nalagpasan ni Bubka, 13 beses naman kay Duplantis at isa naman kay Renaud Lavillenie ng France.
Unang nabasag ni Duplantis ang record noong 2020 na mayroong 6.17 meters.