Harry and Meghan
Harry and Meghan

Nagsilang ng isang baby boy si Duchess of Sussex.

Mismong si Prince Harry ang masayang nag-anunsyo sa pagsilang ng asawang si Meghan.

Tumitimbang ito ng 7lbs and 3oz. kung saan ligtas ang pagsilang ni Meghan.

Sa inilabas naman na pahayag ng Buckingham Palace, na kanilang nabigyan na ng impormasyon ang lahat ng miyembro ng royal family mula kay Queen Elizabeth, Duke Edinburgh, Prince of Wales at iba pa.

Posibleng sa Miyerkules ilalabas ang larawang ng bagong silang na miyembro ng royal family.