Papayagan na ng Dubai ang pagpasok ng mga turista simula Hulyo 7.

Ang hakbang na ito ay isang paraan bilang pagpapaluwag na ipinatupad na lockdown dahil sa coronavirus pandemic.

Simula naman sa Hunyo 23 ay papayagan naman ang mga citizens at mga residente na bumiyahe sa ibang bansa.

Ayon sa Dubai media office, na ang nasabing anunsiyo ay pagpayag sa ilang libong mga mamamayan na apektado ng paghihigpit sa buong mundo.