-- Advertisements --

Walang balak ang Department of Trade and Industry (DTI) na magsagawa ng taas-presyo sa mga pangunahing bilihin.

Sinabi ni DTI Undersecreary Ruth Castelo, na mismong ang kalihim ng ahensiya na si Secretary Ramon Lopez ang nagsabing hindi papayagan ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin habang nasa pandemiya.

Nakiusap si Castelo sa mga manufacturer na makisama bilang tulong na rin sa mga mamimili ngayong panahon ng pandemiya.

Magugunitang humirit ang mga manufacturer ng sardinas, gatas, panimpla at ibang produkto na magtaas ng presyo subalit hindi ito pinayagan ng DTI.