-- Advertisements --

Kinumpirma ni Trade Sec. Ramon Lopez na suportado ng Department of Trade and Industry (DTI) at ibang economic agencies ang paglalagay sa modified general community quarantine (MGCQ) sa Metro Manila at CALABARZON para mabuksan ang ekonomiya ng bansa.

Una ng inihayag ni Finance Sec. Carlos Dominguez na kailangang luwagan ang quarantine restrictions sa Metro Manila at CALABARZON lalo 67 percent ng ekonomiya ng bansa at nakasalalay sa nabanggit na mga lugar.

Sinabi ni Sec. Lopez, kung maaari nga lang ay mas maagang ilagay sa MGCQ ang Metro Manila at CALABARZON para makabawi ang ekonomiya.

Ayon kay Sec. Lopez, kung hindi naman mapalitan ang quarantine status ng dalawang rehiyon, palalawakin na lang nila ang kapasidad ng mga nagbukas ng mga negosyo gaya ng mga dine-in restaurants at mga salon.

Inihayag ni Sec. Lopez na ang nasabing konsiderasyon ay tatalakayin sa kanilang Inter-Agency Task Force for the Management of the Emerging Infectious Diseases (IATF) meeting at ilalabas ang desisyon bago ang Hulyo 16.